El filibusterismo kabanata
1. El filibusterismo kabanata
Answer:
39
Kabanata I “Sa Ibabaw Ng Kubyerta”
Kabanata 2 “Sa Ilalim Ng Kubyerta”
Kabanata 3 “Ang Mga Alamat”
Kabanata 4 “Si Kabesang Tales”
Kabanata 5 “ Ang Noche Buena Ng Isang Kuchero”
Kabanata 6 “ Si Basilio”
Kabanata 7 “ Si Simoun”
Kabanata 8 “ Maligayang Pasko”
Kabanata 9 “ Si Pilato”
Kabanata 10 “ Kayamanan at Karalitaan”
Kabanata 11 “ Los Banos”
Kabanata 12 “ Placido Penitente”
Kabanata 13 “ Ang Klase Sa Pisika”
Kabanata 14 “ Sa Bahay Ng Mga Estudyante
Kabanata 15 “ Si Ginoong Pasta”
Kabanata 16 “ Quiroga”
Kabanata 17 “ Ang Perya sa Quiapo”
Kabanata 18 “ Mga Pandaraya”
Kabanata 19 “ Ang Mitsa”
Kabanata 20 “ Ang Tagahatol”
Kabanata 21 “ Nahati Ang Maynila”
Kabanata 22 “ Ang Pagtatanghal”
Kabanata 23 “ Namatay si Maria Clara”
Kabanata 24 “ Mga Panaginip”
Kabanata 25 “ tawanan at Iyakan”
Kabanata 26 “ Mga Paskel”
Kabanata 27 “ Ang Prayle At Ang Pilipino”
Kabanata 28 “ Mga Katatakutan”
Kabanata 29 “ Mga Huling Salita Tungkol Kay kapiotan Tiago
Kabanata 30 “ Si Juli”
Kabanata 31 “ Ang Mataas Na Kawani”
Kabanata 32 “ Ang Ibinunga Ng Mga Paskel”
Kabanata 33 “ Ang Huling Matuwid”
Kabanata 34 “ Ang Kasal”
Kabanata 35 “ Ang Handaan”
Kabanata36 “ Mga Kagipitan Ni Ben Zayb”
Kabanata 37 “ Ang Misteryo”
Kabanata 38 “ Kasawian”
Kabanata 39 “ Ang wakashi”
Explanation:
kung tama ito wla po kaseng context na nilagay,but hope it help
2. kabanata 9 el filibusterismo
Answer:
Buod ng Kabanata 9 ng El Filibusterismo
Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle.
Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat.
Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas.
Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong manalangin sa langit.
Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa El Filibusterismo ni Rizal:
https://brainly.ph/question/5387813. kabanata 13 el filibusterismo
Answer:
Kabanata 13: Klase sa Pisika
Explanation:
Si Placido Penitente at isang mag-aaral ng Bachiller en Artes sa Unibersidad ng Santo Tomas sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay ang kaisa-isang anak ni Kabesang Andang na nagmula sa Tanawan, Batangas. Siya ang tinuturing na pinakamagaling sa Latin at sa pakikipagdebate. Kinikilala siya bilang pinakamatalino sa klase at dahil sa kaniyang katanyagan ay ibinilang siya sa mga pilibustero ng kanilang mga kura. Siya ay may maraming salapi at maayos na pananamit ngunit nanghihinawa sa pagpasok at kinasusuklaman ang mga aklat.
4. kabanata 1 el filibusterismo
Answer:
Kabanata 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta (Buod)
Home > Buod > El Filibusterismo > Kabanata 1
Kabanata 2 »
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.
Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral.
Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila.
Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya.
Aral – Kabanata 1
Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong nasa taas ay ang gumagawa ng kanilang mga intindihin
5. Kabanata 7 el filibusterismo
Answer:
wla sa na banggit bkit Ganon sakit sa ulo
Explanation:
N/A
6. Explanation kabanata 8 el filibusterismo
Explanation kabanata 8 el filibusterismo
Itinuturo noon ng mga kura na ang pagtitiis ay isang mabuting katangian, ng isang tunay na Katoliko, At dahil din sa kanila naging mapaniwala ang mga Pilipino sa ibat ibang uri ng milagro.Makikita ito ng walang bisang naghahanap ng milagro si Huli upang malutas ang kanyang problema.ipinakikita ni Rizal dito na dapat kumilos rin ang mga tao, kaysa sa umasa nalang basta na ang lahat ay ibibigay ng diyos.
ipinakita dindito na ang Pasko ay isang malungkot na okasyon, pati ang mga bata na dapat pinakamasaya sa raw naito ay siyang natatakot at nalulungkot sa Pasko.
. https://brainly.ph/question/110836
. https://brainly.ph/question/582432
. https://brainly.ph/question/2110865
7. KABANATA 4 EL FILIBUSTERISMO
Answer:
bruh bruh bruh what i don't I understand it
8. kabanata 5 el filibusterismo
Answer:
Talasalitaan ng "Ang Noche Buena ng Kutsero" (Kabanata 5) Kinulata - hinampas o sinaktan Naantala - naabala Kuwartel - tirahan ng mga sundalo Karomata - karwahe o carousell Nochebuena - gabi ng Bisperas ng Pasko at ipinagdiriwang sa Disyembre 24 bawat taon.Buod ng Kabanata 5
Sa isang gabi, umuwi si Basilio sa San Diego, upang ipagdiriwang ang Noche Buena sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sumakay siya sa isang karwahe na ang pangalan sa kutsero ay si Sinong. Kung kailan na may pista dun pa sila naabala sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at dahil dun binugbog siya ng Guwardiyang Sibil. Nakita nila ang mga prusisyon na imahe ng Matusalem, tatlong haring mago, San Jose at ang huli ay ang Mahal na Birhen at may mga bata na kasama ang ibang imahe.
Nabugbog na naman ang kutsero sa kadahilanan na walang ilaw ang kanyang parol. Kaya naglakad na lamang si Basilio kasi ayaw nya nang gulo. At nakita nya na ang bahay ni Kapitan Basilio na bukod tanging masaya at nakita nya na nag-uusap doon si Alperes, Simuon, ang kura at si Kapitan Basilio.
Pagkadating ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago ay iginagalang siya kaagad sa isang katiwala. At binalita ng katiwala ang mga lahat ng pangyayari nang itoy nasa ibang lugar pa. At nagkwento rin ang katiwala sa nangyari kay Kabesang Tales. Dahil roon natigil sa pagkain si Basilio at walang ganang kumain.
For more info sa Kabanata 5 (El Felibusterismo)
https://brainly.ph/question/287125
9. El Filibusterismo talasalitaan kabanata 38
El Filibusterismo—Kabanata 38: Kasawiang-paladTalasalitaan sa kabanata 38 Iika-ika – pipilay-pilay Kabyawan – asukarera Kapasete – helmet Pagtudla – pag-asinta Walang kaabug-abog – biglaan
Alam mo ba?
Nakumpleto ni Rizal ang El Filibusterism noong Marso 29, 1891, na inilathala din sa parehong taon. Ang isang kaibigan na nagngangalang Valentin Ventura ay nagpadala ng pera kay Rizal upang i-print at i-publish ang libro noong Setyembre 22, 1891.
Sinasabi na ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na naglalayong lumikha ng isip at sundin ang mga damdamin ng mga mambabasa upang ang hangaring makuha ang tunay na kalayaan at karapatan ng mga tao ay matamo.
Para sa higit pang impormasyon ng Kabanata 38 ng El Filibusterismo, pakisuyong bisitahin ang link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/280994
https://brainly.ph/question/537635
https://brainly.ph/question/1376748
10. El filibusterismo kabanata 22
Answer:
Kabanata 22: Ang Palabas (Buod)
Explanation:
Maraming manunuod ang hindi nasiyahan sa palabas dahil sa wikang Pranses na ginamit nito na hindi maintindihan ng mga nanunuod.
Matagal na nag hintay ang mga manunuod dahil sa matagal ng simula ang palabas dahil hinintay pa ang pagdating ng Heneral. Mabilis na napuno ang mga silya na nakalaan sa mga panauhin maliban sa isang na nakalaan kay Simoun na isang mang-aalahas.
Nabigla ang mga kabataan sa biglang pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si Don Custodio.
Masaya ang lahat ng mag-umpisa na ang palabas, ngunit habang tumatagay ay unti-unting nalilito ang mga nananood dahil sa linggwahing ginamit sa pagtatanghal, hindi lahat ay nakakaunawa sa wikang Pranses. Mas nakadagdag pa sa kalituhan ng mga manunuod ng tangkain ng iba na isalin ito sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga nagtangkang magsalin ay pawang nagmamagaling ngunit ang katotohanan ay hindi rin nila lubusang maunawaan ang salitang Pranses.
Sa kalagitnaan ng pagtatanghal ay biglang nagsitayuan at nagsilabasan ang pangkat ng mga mag-aaral na siyang ikinagulat ng karamihan.
#BrainlyFast
11. El filibusterismo kabanata 39
Answer:
nasa pic po yung sagot
Explanation:
hope it helps
Answer:
El Filibusterismo Kabanata 39
EXPLANATION:
Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang pinadadakip na Kastila. Ngunit ang tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni Don Florentino.
Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang sugat sa isang aksidente.
Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya.
Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun.
Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito.
Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng hininga.
12. El filibusterismo kabanata 32
Answer:
El Filibusterismo
Kabanata 32 : Ang Bunga ng mga Paskil
Buod
Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay hindi na nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayon o kaya’y magsaka.
Marami ang di nakasulit sa eksameng ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinunog ang kaniyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagpasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Sandoval ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamang ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Sinong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.
Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay magdaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.
Naipayo ni Ben Zayb na bilhin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.
Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.
Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Ito’y gaganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilala kay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging
Explanation:
13. kabanata 16 el filibusterismo
El Filibusterismo ni Dr. Jose P. RizalKabanata 16: Ang Kasawian ng Isang Intsik
Ang kabanatang ito ay umiikot sa karakter na si Quiroga, isang mangangalakal mula sa Tsina. Sa kabanatang ito makikita natin na si Quiroga ay naghahangad din ng representasyon o pagkilala sa mga karapatan ng mga Tsino na naninirahan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahalang Kastila. Sa kagustuhan niyang magkaroon ng embahada ng Tsina sa bansa ay nagsaayos siya ng isang hapunan kung saan inimbitahan niya ang mga importanteng tao sa lipunan gaya ng mga prayle, mga sundalong Kastila na may mataas na katungkulan, mga kawani ng pamahalaan, at pati na rin ang mga malalaking negosyante at ang kanyang mga suki.
Dinaluhan ito ni Simoun at saka dito siya siningil sa kanyang pagkakautang sa negosyanteng mulato. Dahil wala siyang pera upang magbayad sa panahong iyon at upang maiwasan ang komprontasyon, pumayag siya sa kagustuhan ni Simoun na iimbak at itago ang mga armas na paparating.
Sa hapunang ito ay mapapansin din na mas interesado sa ibang mga bagay ang mga naimbitahan kaysa sa kapakanan ng mga Intsik. Sa grupo ni Don Custodio ay napagusapan nila ang tungkol sa pagpapadala ng isang pangkat ng mga manggagawa sa India upang masanay at mahasa sa paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa grupo naman ng mga prayle ay isang mainit na usapan tungkol sa makababalaghan na ulong nagsasalita na matatagpuan sa perya.
Ano ang matutunan natin sa Kabanata 16 ng El Filibusterismo?Sa kabanatang ito ay makikita natin na may mga grupong minorya sa lipunan na naisasantabi ang kapakanan at karapatan dahil hindi marinig o hindi pinakikinggan ang kanilang mga hinaing. Sa kwentong ito, ang grupong iyon ay ang mga Intsik. Bagaman gumawa ng mga hakbang si Quiroga upang mabigyan sila ng pansin, makikita na siya ay naisantabi parin at napagsamantalahan habang ang lahat ay nakikinabang sa kanyang piging.
Ito ay naangkop rin sa ating panahon at masasabi na nangyayari pa rin. Maraming mga grupong minorya tulad na lamang ng mga pangkat etniko, mga taong mahihirap, at mga mamamayan na malayo sa kabihasnan ang madalas na maisantabi at mapagsamantalahan pa nga dahil mas inuuna ng mga importante at makapangyarihang mga tao ang kanilang sariling mga agenda at kapakanan.
Sana ay nakatulong ang sagot ko na ito.
Alam mo ba na pwede mong gamitin ang hashtag na #CARRYOLEARNING sa iyong mga sagot? Tuwing gagamitin mo ang hashtag na ito, nagdodonate ang Brainly ng piso upang makatulong sa ating mga doctor at nars dito sa Pilipinas sa paggagamot ng mga pasyenteng may COVID-19.
14. El Filibusterismo kabanata 1
Ang Bapor Tabo ang unang kabanata sa El Filibusterismo...
15. kabanata 6 el filibusterismo
Answer:
ang kabanata 6 sa el filibusterismo ay si basilio
16. Kabanata 4 el filibusterismo
Answer:
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.
Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.
Aral – Kabanata 4
May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga prayle.
Explanation:
SORRY PO BINUOD KO NA PO, PARA KONTI LANG SULATIN NYO... PLZ RATE BRAINLIEST
17. kabanata 27 el filibusterismo
Answer:
Kabanata 27: Ang Prayle At Ang Estudyante (Buod)Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba ito sa hapunan.
Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari.
Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang. Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging maginhawa lamang.
Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang estudyanteng Filipino.
Explanation:
Aral – Kabanata 27Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid.
18. El filibusterismo kabanata 3 sagot
ang kabanata 3 ng el filibusterismo ay "ang mga alamat"
19. mahalagang pangyayari sa kabanata 8 ng el filibusterismo? simbolismo / matalinghagang pahayag sa kabanata 8 ng el filibusterismo? -------!-------
Answer:
El Filibusterismo
Kabanata 8 - Maligayang Pasko
Buod: https://brainly.ph/question/2111068
Tauhan: Tandang Selo Juli
Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang nangyaring himala at dalawang daa’t limampung piso na dapat ibabayad para sa kalayaan ni Kabesang Tales.Kakailanganin niyang magpa-alila at naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo na si Hermana Penchang.Siya’y umalis na habang si Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot kahit na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi ang matanda. Mga dahilan kung bakit ayaw na ng mga bata ang pasko:Ginigising sila ng sobrang aga para sa misa. Matitigas na inarmirol na damit ang ipinasusuot sa kanila. Masakit sa paa ang mga sapatos, masikip at matigas. Ayaw nila lumuhod pag humahalik sa kamay ng mga kaanak nila. Masyadong mahaba ang misa. Pilit silang pinakakanta at pinasasayaw. Puro matatamis ang pinapakain. Kinukuha ng mga magulang ang mga aginaldo na para sa kanila.Simbolismo/ Matalinghagang Pahayag
hindi naghimala ang Mahal na Birhen
__
Please mark brainliest or thanks if it helped! :)
20. El filibusterismo kabanata 21
Answer:
Aral – Kabanata 21
Hindi balakid ang kahirapan sa buhay upang maging maayos, malinis at katangi-tangi ang kaanyuan. Hindi masama ang magbihis at gumalaw na mistulang mayaman basta kaya itong dalhin at panindigan.
21. El filibusterismo kabanata 9
Sa El filibusterismo ang kabanata 9 ay pinamagatang "Si Pilato".
22. KABANATA 4 EL FILIBUSTERISMO
Answer:
Tagpuan: Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa kabanatang ito ay naganap sa gubat. Sa gubat na kung saan ...
Explanation:
Pa Brainliest
23. kabanata 32 buod el filibusterismo
Kabanata 32 ng El Filibusterismo sa pinamagatang Ang Bunga ng mga Paskil
Buod:
Marami ang hindi nakasulit sa eksamin na ibinigay ng serbisyo Sibil, natuwa pa si Tadeo, sinigaan ang kanyang mga aklat, Si Pelaez naman ay napatali sa negosyo ng kanyang ama. Nagtungo naman sa Europa si Makaraig. Si Isigani naman ay sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit, si Salvador naman ay nakapasa dahil sa kahusayan nito magtalumpati.Tanging si Basilio lamang ang hindi nakakuha ng pagsusulit sapagkat siya ay nasa piitan.Doon niya nabatid ang pagkawala ni tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiyago na nabili ng ama ni Pelaez.Mula noon ay naging madalas si Smoun sa tindahan ng mga Pelaez na sabi ng iba ay pinakisamahan na niya. At tumagal nga ilang linggo ay nabalitaang ikakasal si Juanito kay Paulita . at lahat ay naghihintay sa kasal ng dalawa sapagkat si Simoun daw ang mamahala.
i-click ang link para sa karagdagang kaalamn tungkol sa El Filibusterismo
. https://brainly.ph/question/110836
. https://brainly.ph/question/582432
. https://brainly.ph/question/2110865
24. kabanata 17 el filibusterismo
Explanation:
Ang Perya sa Quiapo
maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita.
May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba. Pinagtawanan din nila ito.
May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.
25. kabanata 8 el filibusterismo
Kabanata 8
Maligayang Pasko
EL FLIBUSTERISMO
Nang magising si Juli na namumugto ang mata ay madilim pa, at ang mga manok ay kasalukuyang nagtitilaukan. Una niyang naisip ang himala ng Birhen at ang hindi pagsikat ng araw. Siya ay nagbangon, nag-antanda at taimtim na dinasal ang mga dalanging pang umaga, at pagkatapos ay lumabas sa batalan. Hindi nagkahimala, at ang araw ay namamanaag na. Ang gayo’y malabis na paghingi, madali pang magawa ng Birhen ang magpadala ng dalawang daat limampung piso. Ano na lamang sa Ina ng Diyos na magbigay noon. Ngunit tanging ang sulat ng amang humihingi ng pantubos na limangdaang piso ang naroroon. Wala nang paraang kundi lumakad. Siya ay nagluto ng salabat, ngunit ngayo’y parang panatag na ang kanyang kalooban. Ang bahay na kanyang paglilingkuran ay di naman kalayuan, makadadalaw siya sa kanyang Ingkong tuwing ikalawang araw, at alam naman ni Basilio na masama ang lagay ng usapin ng kanyang ama. Samantalang inaayos ang tampipi ay nahagkan niya ang lacket na may brilyante at esmeralda, ngunit kaagad itong itinago nang maalaalang yaoy nanggaling sa isang ketongin.
Nooy maliwanag na. Nakita niya ang kanyang Ingkong na sinusundan ng tingin ang lahat ng kanyang kilos, kaya kinuha niya ang tampipi ng damit at nakangiting humalik ng kamay. Binendisyunan siya ng matanda na walang kaimik-imik. “Pagdating ni itay ay ipakisabing napasok din ako sa kolehiyo; ang Panginoon ko’y marunong ng Kastila”, at nang makitang nahihilam sa luha ang mata ng matanda ay sinunong ang kanyang tampipi at matuling pumanaog sa hagdanan. Ngunit nang lumingon upang tumanaw pang muli sa nilakhang tahanan, tahanang naging bahagi ng kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagdadalaga ay nawala ang kanyang maliksing kilos, napahinto siya, ang kanyang mga mata ay nahilam ng luha at matapos umupo sa isang sanga ng puno ng kahoy sa tabi ng daan ay umiyak nang kahapis-hapis.
Mataas na ang araw nang dumungaw sa bintana si Tandang Selo at tinatanaw ang mga taong nangakabihis ng pamasko patungo sa bayan upang magsimba sa misa mayor.
Ang araw ng pasko sa Pilipinas, ayon sa matanda ay pista ng mga bata, mga batang hindi kasang-ayon sa gayong akala, at marahil ay nagpapalagay na ang pasko ay kinatatakutan nila. Ginigising silang maaga sa araw na iyan, sinusuutan at ginagayakan, isinisimba sila sa misa mayor na kulang-kulang sa isang oras ang haba, at kung hindi man sila pinagdarasal ng rosaryo ay kailangan naman nilang huwag maglilikot at sa bawat galaw na makapagpaparumi sa damit ng kurot ang katugon. Matapos iyon ay ipinapanhik sila sa bahay ng mga kamag-anakan upang humalik ng kamay, at doon ay kailangang ipakita nila ang kanilang nalalaman sa pag-awit, pagsayaw, sa ibig man o sa ayaw. Ang tanging alaala sa kanila ng tanging araw na iyon ay mga bakas ng kurot.
Ang mga taong may kagulungan na, may sarili mang pamumuhay ay nakakalahok din sa pistang ito, sa pamamagitan ng pagdalaw, pagluhod at pagbati ng maligayang pasko sa kanilang mga magulang at mga amain at ale. Ang kaniilang aginaldo ay matamis, bungang kahoy, isang basong tubig o isang bagay na walang gaanong halaga.
Nakita ni Tandang Selo ang pagdaraan ng kanyang mga kaibigan at malungkot na inisip na wala siyang maibibigay na aginaldo kanino man nang taong iyon, at ang kanyang apo ay umalis na wala rin siyang naibigay at hindi man lamang siya nabati ng magandang pasko.
Nang salubungin ni Tandang Selo ang mga kamag-anakang dumating na kasama ang mga bata ay hindi makabigkas ng anumang salita, at gaano man ang kanyang pagpipilit ay walang masabing anuman sa kanyang mga labi. Pinigilan ang kanyang lalamunan, umiling, inuga ang ulo ngunit wala ring nangyari. Gulilat na nagkatinginan ang mga babae.
“Napipi na!”, ang sigawan ng mga nasisindak na noon din ay nagkagulo.
https://brainly.ph/question/522096
https://brainly.ph/question/2091521
https://brainly.ph/question/514340
26. El filibusterismo kabanata 19
buod ng kabanata 19 ng El fili busterismo
Buod ng El filibusterismo buksan sa link na:
brainly.ph/question/521258
brainly.ph/question/538781
brainly.ph/question/2131650
ANG MITSA Dahil sa ginawang panlilibaksa kaniya ng kanyang guro kaya nagpupuyos sag alit at nangingilid ang luha sa mga mata ni Placido Penitente na naging dahilan ng pag-alis nito.Nararapat lamang di umano na maghiganti siya sapagkat kanyang karangalan na ang dapat niyang ipaglaban at nararapat lamang na ipakita niya na may kabataang mula sa lalawigan ng Batangas na marangal at ang kahihiyan ay hinuhugasan ng dugo, iyon ang mga bagay na tila naririnig niya na ibinubulong ng isang tinig. Habang naglalakad sa tulay ng Espanya ay nais niyang maghanap ng gulo. Nais niyang ihulog ang kura ng Makita niyang nagdaan ang isang sasakyang kinalululanan nito. Samantalang muntik na niyang suntukin ang dalawang paring Agustinong nakaupo sa pintuan ng basar nin Quiroga ng mapadaan siya sa Escolta. Bumuo na siya ng mga tiyak na gagawin ng pauwi sa bahay ng isang platernong pinangangaserahan para makapaghiganti sa mga prayle. Hindi niya inaasahang madaratnan si Kabesang Andang sa pagdating niya sa kanyang inuupahang bahay,ang inang nanggaling pa sa Batangas na lumuwas ng lalawigan upang dalawin ang anak, at dalhan ng mga pangangailangan nito. Dahil sa kakaibang kilos ng anak kaya’t nalaman ng ina ang nangyari sa anak.tigib ang paghihinagpis ng ina at upang hindi marinig ang hinagpis ng ina, naglakad-lakad hanggang marating ang daungan ng mga bapor. Dahil sa paglilibot sa San Fernando ay ginabi ang binate hanggang makarating ito sa perya. Nagpapaalam sa isang dayuhang kinakausap ng ingles si Simoun ng mamataan nito. Nagkakilala na noon paman sina Simoun at Placido dahil ang una’y naglalako ng alahas. Nag-usap ang dalawa at humingi ng tulong ang binate matapos isalaysay sa mag-aalahas ang pangyayari. Patuloy na nag-usap ang dalawa hanggang makarating sila sa isang bakurang Malaki na may nakatirik na isang maralitang bahay- pagawaan ng mga paputok o pulbura na pinamamahalaan ng dating guro sa San Diego. Dito nabatid ni Placido ang kakilakilabot na balak ni Simoun ang isang himagsikan.27. kabanata 2 el filibusterismo
Answer:
KABANATA 2
Explanation:
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña.
Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.
28. KABANATA 10 EL FILIBUSTERISMO
Answer:
Pamagat nito ay "Kayaman at Karalitaan".
29. kabanata 4 el Filibusterismo tagpuan
Answer:
Sa lupain/bukid ni kabesang Tales
30. kabanata 15 el filibusterismo
Answer:
Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na pagkalugi ng kaniyang negosyo ay nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan. Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa bansa. Inimbitahan niya ang mga military, kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa negosyante.
Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay ng alahero kung hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil nga sa pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong piso.
Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng dalawang libong piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas sa kaniyang bodega.
Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi pumayag sa alok ni Simoun.
Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India upang matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan.